LIMITED SCREENING ONLY: The Classic Philippine Zarzuela "Walang Sugat" by Severino Reyes

Panoorin ang "Walang Sugat," ang orihinal na zarzuelang isinulat sa wikang Tagalog noong 1898 ng Pilipinong mandudula na si G. Severino Reyes.

Sa pagtatanghal na ito ng Tanghalang Pilipino sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna, magugunita sa zarzuela na ito ang pamumuhay at lipunan sa Pilipinas noong ika-19 na siglo. Pinagtatampukan nina Cris Villonco, Noel Rayos, Lou Veloso, Bodjie Pascua, at iba pa.

Mapapanood ang natatanging pagtatanghal na ito mula ika-29 hanggang ika-31 ng Agosto sa opisyal na YouTube channel ng DFA o sa DFA website.