· 

Sentro Rizal Filipinas Launches QuaranTinig, an Online Singing Competition to Celebrate Buwan ng Wika (Filipino Language Month)

CGA-2020-018-HMFC

06 Agosto 2020, Agana, GU - Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika (Filipino Language Month), ang Sentro Rizal Filipinas, katuwang ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA), ay magtatanghal ng QuaranTinig: Patimpalak sa Pag-Awit - isang online na kumpetisyon sa pag-awit na magtatampok ng mga awitin nasa wikang Filipino ang mga titik.

Ang NCCA, sa pakikipagtulungan sa mga Sentro Rizal sa iba't ibang mga Pasuguan at Konsulado, kasama na ang Sentro Rizal Agana, ay hinihikayat ang mga Pilipinong nasa ibang bansa at mga dayuhan na mahilig sa musikang Pilipino na lumahok sa QuaranTinig.

Inaanyayahan ang mga Pilipino sa iba't ibang bansa, pati na mga migranteng Pilipino at kanilang mga anak, at kahit na mga dayuhang nasasakupan ng alinmang Pasuguan o Konsulado na may Sentro Rizal na magparehistro at sumali sa online na paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok mula sa Guam, Commonwealth of the Northern Mariana Islands, Federated States of Micronesia, Republic of the Marshall Islands, at Republic of Palau ay maaring magsumite ng kanilang entry sa Sentro Rizal Agana (Philippine Consulate General in Agana) sa email address na: cultural.pcgagana@gmail.com.

Ang mga kalahok ay dapat umawit at mag-rekord sa video ng isang pagganap ng anumang Orihinal na Pilipino Music (OPM) na awitin na nasa wikang Filipino. Ang proseso ng paligsahan ay gagawin online, mula sa pagsumite ng mga entry hanggang sa pagpili at pag-anunsyo ng mga nagwagi. Mangyaring i-click ang mga link sa ibaba para sa buong mechanics ng QuaranTinig, registration form, at video consent form.

Inaasahan namin na matanggap ang inyong mga entry bago mag ika-20 Agosto 2020. Ang mga magwawagi ay makakatanggap ng mga papremyo at sertipiko.


Download the relevant files about the contest below:

Download
QuaranTinig Mechanics
QuaranTinig Mechanics_SR Agana.docx
Microsoft Word Document 26.6 KB
Download
QuaranTinig Registration Form and Video Release Consent Form
QuaranTinig_Reg Form & Video Release Con
Microsoft Word Document 20.2 KB

Write a comment

Comments: 0